Linggo, Hunyo 26, 2016


Tungkulin ng Wika




Ang larawang ito ay nagpapakita na ang ating wika ay may tungkuling INSTRUMENTAL. Kung ating babalikan napag-alaman nating ang tungkuling instrumental ay may kakayahang tumugon sa pangangailangan ng bawat isa. Ang nasabing larawan ay kinuhanan sa isang pamilihan kung saan tayo ay namimili at bumubili ng ating mga pangangailangan. 




Sa larawang ito ating makikita at mababasa ang mga katagang 'BAWAL MAGLAGAY NG BASURA DITO. BASURA NYO TAPAT NYO.' Ito ay isa sa maraming halimbawa sa ating paligid na nagpapakita na ang wika ay may tungkuling REGULATORI. Kung ating maaalala ang tungkuling regulatori ay kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba. Gayundin, ito ay may kakayahang magdikta at magpasya kung ang ating ikinilos at kinikilos ay tama o mali. 




Ipinapakita ng larawang ito na ang wika ay may tungkuling HUERISTIK AT IMPORMATIB. Sa nasabing larawan ay may nagaganap na pagpupulong ang mga magulang ng mga estudyante upang makapagbigay ng mahahalagang impormasyon na kailangan at dapat na malaman ng mga magulang hingil sa kanilang mga anak at sa eskuwelahan. Sa pamamagitan din ng pagpupulong na ito ay nagkakaroon ng mga kasagutan ang mga magulang sa kani-kanilang mga tanong at gustong malaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento