Sabado, Agosto 6, 2016

 

Tunay na Nationalian batay sa Core Values ng National University



Ang National University ay isa sa mga prestiryosong unibersidad na matatagpuan sa Pilipinas. Kamakailan lang nagpatupad ang mga nakatataas ng pitong bagong Core Values na dapat itinataglay ng mga estudyanteng nag-aaral sa unibersidad na ito. Ngunit para saan nga ba ang Core Values? Ginawa lang ba ito upang pahirapan tayong mga estudyante sa pagkakabisa ng mga ito tuwing unang araw ng pasukan o para tulungan tayo sa ating paglalagi sa ating minamahal na paaralan? Mema lang ba ang dahilan o may gusto lang talagang ipaunawa sa atin ang mga kinaatasan? Bakit nga ba tayo mayroong Core Values? Ano nga ba ang pangunahing dahilan? Ayon sa nakararaming konteksto, ang Core Values ay isa pinakamahalang bagay na mayroon dapat ang isang organisasyon sapagkat dito makikita kung sino-sino, ano-ano, at kung anong klaseng tao ang makikita mo o ang iyong makakasalamuha sa isang organinsasyon. Sa pamamagitan nito makapaggagawa ka ng mga desisyon at mapapasadali ang mga bagay na dapat isagawa ng nasa isang organisasyon sapagkat gagabayan ka ng Core Values na ito. Batay sa bagong Core Values ng National University, ang isang estudyante ng nasabing unibersidad ay dapat nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: Patriotic, Resiliency, Integrity, Respect, Innovation, Compassion, at Excellence. 


Patriotic/ Makabayan, ang isang estudyante ng National University ay dapat mahalin natin ang ating bansa at ang ating paaralan. Nararapat lang na hindi natin ikahiya na ipakita kung ano, sino at saan  tayo nagmula sapagkat hindi kailanman naging tama na magpanggap tayo na ibang tao tayo sa tuwing tayo'y nasa ating paaralan. Resiliency/Resilent, bilang estudyante nararapat lang na hindi tayo agad-agad sumusuko sa mga problema, mapa-akademiko, pinansyal, o emosyonal man. Bumagsak man tayo sa isang exam ay kaya nating bumangon muli upang mag-aral at huwang sumuko sa ating napiling larangan. Integrity/Katapatan/Matapat, bilang isang taong nag-aaral dapat tapat sa lahat ng bagay mapa-salapi man, o akademiko. Respect/Respectful/Magalang, ang isang estudyante ng National University ay dapat gumagalang sa mga nakatatanda, propesor man, ka-klase, o istaff ng paaralan. Dapat tayong maging magalang kahit kanino sapagkat sa mundong ito lahat tayo ay pantay-pantay at walang mahirap o mayaman sa mata ng ating Diyos na nasa itaas. Kailangan rin nating rumispeto sa mga opinyon, kultura, at pananaw ng ating kapwa. Innovation, bilang isang mag-aaral dapat may kakayahan tayong gumawa ng mga bagay na hindi pa nagagawa ng  iba. Kailangan nating patunayan na ang ating unibersidad ay hindi lamang isang simpleng unibersidad. Paano natin ito mapapatunayan? Sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating mga nalaman sa ating minamahal na paaralan. Compassion/Compassionate/Mahabagin, bilang isang mag-aaral ng National University kapag may nangangailangan ng tulong ng ating kapwa mag-aaral, atin natin siyang tulungan sa lahat ng bagay sa madaling salita matuto tayong makiramay. Dapat marunong tayong magpatawad sa mga kamalian ng bawat isa dahil walang taong perpekto, ang ating Diyos lamang ang perpekto sa mundong ito. Excellence/ Kahusayan, bilang mag-aaral nararapat lang na ipakita natin ang ating angking katalinuhan at kakayahan hindi lamang dito sa ating paaralan kundi pati narin sa buong bansa at buong mundo. Patunayan natin na hindi lang tayo simpleng estudyanteng nag-aaral para makapasa ngunit tayo ay isa sa mga mag-aaral na nag-aaral para makapag-iwan ng isang magandang bakas sa ating paaralan.

Bilang estudyante ng National University na kumukuha ng kursong BS in Accountancy, mapapakita ko na isa ako sa mga tunay na Nationalian sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng bagong Core Values na nabangit sa itaas. Ipagmamalaki na ako'y Pilipino na nag-aaral sa National University. Kahit na isang napakalaking hamon sa akin ang pag-aralan ang aking kursong kinuha, pipilitin kong maging matatag sa aking kurso at ipaglaban ito. Magiging matapat ako sa bawat maling nasasagot at naisusulat ko sa aking papel, gayon na din kung may makikita akong nakakalat na bagay na alam ko namang mahalaga. Igagalang ko din lahat ng mga nag-tratrabaho sa aking paaralan, propesor, kapwa estudyante at mga guwardiya. Pipilitin ko ring gumawa ng mga bagay na alam kong makakatulong sa ikabubuti ng aking paaralan. Hindi lamang ako maaawa sa mga estudyanteng may problema ngunit gagawin ko pa ang lahat ng aking makakaya upang sila'y tulungan. Gagawin ko ang lahat upang makaiwan ng magandaang bakas sa unibersidad na ito. Hindi ako titigil hangga't hindi ko natatapos ang aking kursong kinuha.